LGUs, pinatatawag muna sa DA bago mag-anunsyo kung apektado na ng ASF ang mga baboy sa kanilang lugar

Pinayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Local Government officials na makipag-ugnayan muna sa Department of Agriculture (DA) bago mag-anunsyo kung kontaminidao na ng sakit na African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa kanilang lugar.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ibunyag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na postibo na rin sa ASF ang ilang backyard hog raiser sa kanyang lugar.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sa ganitong paraan ay hindi na mabubulaga si Agriculture secretary William Dar kapag napasok na ng ASF ang isang lugar.

Dagdag ni Panelo, kapag nakipag-ugnayan na ang LGU’s sa kalihim ng DA ay maari na nilang sabay na ianunsyo sa publiko.

Kasabay nito, pinakakalma ng Palasyo ang publiko dahil kontrolado naman ng DA ang ASF.

May inilatag na aniya na pamamaraan ang SA para hindi na lumaganap ang ASF.

Read more...