Ilang local holidays idineklara ng Malakanyang

Walang pasok ngayong araw o special non-working day sa Bontoc Mountain Province.

Base sa Proclamation 810, walang pasok sa lugar para bigyang daan ang selebrasyon ng 111th founding anniversary

Special non working day naman bukas September 17 sa Zamboanga del Sur para bigyang daan ang selebrasyon ng kanilang 67th founding anniversary.

Walang pasok o special non-working day din sa Bansalan, Davao del Sur sa Miyerkules, September 18 para bigyang daan ang pagdiriwang ng kanilang 67th founding anniversary.

Alinsunod sa panuntunan ng Department of Labor and Employment (DOLE), makakatanggap ng 30% na dagdag sa daily wage ang sino mang papasok sa mga nabanggit na petsa at lugar.

Read more...