Trapik sa Pilipinas dapat idaan sa holistic approach – PCOO Sec. Andanar

INQUIRER FILE PHOTO

Nanindigan si Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na hindi band-aid solution kundi holistic at systematic approach ang kinakailangan para maresolba ang trapik sa bansa.

Halimbawa na lamang ayon kay Andanar ay ang ikinasang “Build Build Build” (BBB) program kung saan ginagawa na ang skyway, subway, C6, Northrail at Southrail systems.

Ayon kay Andanar ang mga nabanggit na programa ay hindi matatapos ng overnight lamang kung kaya may ginagawa ring hakbang ang pamahalaan gaya ng pagbubukas sa mga motorista ng mga subdibisyon.

Pero naniniwala si Andanar na mas mapadadali sana ang pag-resolba sa trapik kung pagkakalooban ng kongreso ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...