Water level ng Angat dam nadagdagan ng mahigit isang metro

Malaki ang itinaas ng antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Lunes, Sept. 16 ay 187.84 meters na ang water level ng Angat.

Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 101.11 meters na.

Gayundin ang La Mesa dam na nasa 77.82 meters na ang water level.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon gaya ng Ambuklao, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Habang nabawasan naman ang water level ng Binga at San Roque dams.

Read more...