Pakikipagpulong ni US President Donald Trump sa lider ng Iran maaring matuloy pa rin sa kabila ng pag-atake sa oil facilities sa Saudi Arabia

(AP Photo/ Evan Vucci)

Maaring matuloy pa rin ang pulong ni US President Donald Trump sa kaniyang Iranian counterpart na si Hassan Rouhani.

Ito ay sa kabila ng tahasang pag-akusa ng US sa Iran na ito ang mastermind sa drone attacks na naganap sa Saudi Arabian oil facilities.

Ayon kay White House counselor Kellyanne Conway, ikukunsidera ni Trump na i-follow up ang kaniyang suhestyon na makapulong si Rouhani sa nalalapit na UN General Assembly session sa New York.

Una nang inako ng Tehran-backed rebels ang pag-atake sa dalawang planta na pag-aari ng Aramco.

Pero sa pahayag, sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo na ang Iran ang nasa likod ng pag-atake.

Read more...