DOJ: Walang kahit isa sa 1,886 na napalaya sa GCTA ang nakalabas ng bansa

Inquirer file photo

Dalawampu’t walo sa 1,914 bilanggo na napalaya dahil sa good conduct time allowance na lamang ang isasailalim sa beripikasyon kung nakalabas ng bansa ayon sa Department of Justice (DOJ).

Sa pahayag ni DOJ Undersecretary and Spokesperson Markk Perete araw ng Linggo, batay sa records ng Bureau of Immigration (BI), sa 1,886 bilanggo na naberepika na ay wala pang nakakaalis ng bansa.

Ang natitira umanong 28 na isasailalim pa lang sa breipikasyon ay may ‘common name’.

Ani Perete, kailangan munang maipasa sa kanila ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pangalan at petsa ng kapanganakan ng mga bilanggo para maberipika.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) araw ng Linggo, 431 na sa mga convicts na napalaya sa GCTA ang kusang sumuko.

Matatandaang binigyan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang convicts ng hanggang sa Huwebes, September 19 para sumuko.

Read more...