Sa abiso ng Petro Gazz at Shell, madaragdagan ng P1.35 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina habang P0.85 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel.
Ang kerosene o gaas ng Shell ay tataas din ng P1.00 kada litro.
Epektibo ang oil price hike ng dalawang kumpanya alas-6:00 ng umaga bukas.
Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang price adjustments ang iba pang kumpanya ngayong araw.
MOST READ
LATEST STORIES