Michelle Dee kinoronahang Miss World Philippines 2019

Miss World PH Twitter

Nangibabaw ang ganda ni Michelle Dee laban sa 39 pang binibini para itanghal na Miss World Philippines 2019 sa coronation night sa Smart Araneta Coliseum, Linggo ng gabi.

Ang modelo ang magiging kinatawan ng bansa sa Miss World 2019 pageant sa London, United Kingdom sa Disyembre.

Bukod sa pinakaprestihiyong Miss World Philippines crowns, inuwi rin ni Dee ang special awards na Miss Blue Water Spa, Miss Myra E, Miss Best Skin, at Miss Bench.

Sa Question and Answer portion, tinanong kay Dee kung anong imbensyon mula sa nakaraang siglo ang sa tingin niyang dapat ibalik sa panahon ngayon.

Batay sa personal na hilig ang naging sagot ng beauty queen, at sinabing polaroid films ang tingin niyang dapat maibalik dahil sa pagiging mapagmahal niya sa sining.

“It would probably be polaroid films. I’m an avid lover of art, I love photography and I love the kind of energy and feel that polaroids give me, just being able to lay everything out and go down memory lane is such a different feeling,” ani Dee.

Si Dee ay anak ng iconic beauty queen na si Miss International 1979 Melanie Marquez.

Samantala, narito pa ang mga nagwagi sa coronation night kagabi:

• Reina Hispanoamericana FIlipinas 2019: Katrina Llegado
• Miss Multinational Philippines 2019: Isabelle de Leon
• Miss Eco International Philippines 2019: Kelley Day
• Miss Tourism Philippines 2019: Glyssa Perez
• Miss Eco Teen International Philippines 2019: Vanessa Mae Walters
• 1st Princess: Shannon Christie Kerver
• 2nd Princess: Casie Banks

Read more...