Loreto, Dinagat nilindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Dinagat, Linggo ng gabi.

Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 34 kilometers Northeast ng Loreto bandang 5:16 ng gabi.

27 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...