Kita ng pelikulang ‘The Panti Sisters,’ umabot na sa P36M

Photo grab from Black Sheep/Facebook

Umabot na sa P36 milyon ang kita ng pelikulang “The Panti Sisters.”

Sa Facebook, inanunsiyo ng producer na Black Sheep na umabot na ang kabuuang kita ng pelikula ng P36,260,445 sa loob lamang ng dalawang araw.

Ang nasabing pelikula ay bahagi ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) mula September 13 hanggang 19, 2019.

Pinagbidahan ang pelikula nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables sa ilalim ng direksyon ni Jun Lana.

Read more...