LOOK: ‘Kabataang Manileño Roving Food Truck,’ inilunsad

Inilunsad ng Manila Youth Bureau ang ‘Kabataang Manileño Roving Food Truck’ sa Lungsod ng Maynila, araw ng Linggo.

Sa mga larawang ibinahagi ng Manila Public Information Office (PIO), makikitang napagkalooban ng libreng pagkain ang mga ilang kabataan sa lungsod.

Unang sinuyod ng food truck ang unang distrito ng Maynila.

Ayon kay Alex Layos, hepe ng Manila Youth Bureau, isinagawa ang feeding program sa mga Barangay 20, 80, 101, 103 at 105.

Read more...