Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na ang mga high-profile inmate na makapangyarihan at mayayaman ang halos nagpapatakbo sa pambansang piitan.
Ang mga high-profile inmate rin aniya ang nakapagsasabi kung sinu-sino ang dapat ilipat ng kulungan, ma-confine sa ospital at kung paano tatakbo ang operasyon ng ilegal na droga sa labas ng Bilibid.
Sa paglipas ng panahon, sinabi nito na tumindi na ang maling kalakaran sa Bilibid kung kaya’t naging ‘helpless’ na aniya ang gobyerno.
Ani Lacson, mabuti na lamang na nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado para mabunyag ang lahat ng maling sistema sa nasabing piitan.
MOST READ
LATEST STORIES