Higit 700 baboy, isinailalim sa culling operation vs swine fever

Isinailalim sa culling operation ang mahigit 700 baboy sa Japan matapos magkaroon ng outbreak sa swine fever.

Batay sa ulat, isinagawa ng mga otoridad sa Japan ang nasabing proseso sa kabuuang 753 na baboy sa Saitama Prefecture sa Hilagang bahagi ng Tokyo.

Napag-alamang positibo sa swine fever ang mga baboy matapos mapadala sa central Japan.

Samantala, ipinagbawal na rin ang pagpapadala ng mga baboy mula sa dalawang pig farm sa Saitama dahil sa outbreak.

Read more...