12 sugatan sa aksidente sa Balamban, Cebu

Sugatan ang nasa 12 katao makaraang maaksidente ang isang van sa Balamban, Cebu Linggo ng umaga.

Ayon sa Balamban police, binabagtas ng van ang pababang parte ng Transcentral Highway sa bahagi ng Barangay Cansomoroy nang biglang mawalang ng preno ang drayber na si Renato Arcenal dahilan para bumangga sa sementadong drainage sa kalye bandang 9:10 ng umaga.

Lulan ng van ang 11 katao na patungo sana sa Foressa Mountain Resort para sa team building ng kanilang kumpanya.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad sa pinangyarihan ng aksidente.

Naisugod din ang mga biktima sa Balamban District Hospital para malapatan ng lunas.

Read more...