Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Phivolcs photo

Yumanig ang magnitude 3.4 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 95 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 2:33 ng hapon.

May lalim ang lindol na 60 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...