93 bagong air-conditioned unit, naikabit na sa MRT

Naikabit na ang 93 bagong air-conditioned unit sa mga bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa Facebook, ibinahagi ng Department of Transportation MRT-3 ang ilang larawan ng pagkakabit ng mga bagong air-conditioned unit sa MRT-3.

Unang naikabit ang 33 pang bagong air-conditioned unit sa mga MRT-3 noong buwan ng Agosto.

Sa kabuuan, nasa 120 na bagong unit ang binili ng Sumitomo Corporation, Mitsubishi Heavy Industries (MHI), and TES Philippines (TESP) para sa isinasagawang rehabilitasyon sa nasabing tren.

Nagkakahalaga ito ng P167 milyon.

Matatandaang noong 2018, nasa 60 units ang unang naikabit sa MRT.

Read more...