Malakanyang nakiramay sa pagpanaw ni dating Senador Rene Espina

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga kaanak at kaibigan ni dating Senador Rene Espina.

Si Espina ay pumanaw noong Biyernes, Sept. 13 sa edad na 89.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mapalad ang mga Filipino sa pagkakaroon ng public servant gaya ni Espina.

Si Espina aniya ang nasa likod ng anti-drug law na Dangerous Drugs Act of 1972.

Maliban sa pagiging senador, nanilbihan din si Espina bilang kalihim ng Public Works, Transportation, and Communication noong Marcos administration.

Naging administrator din siya ng Social Security System sa panahon ni dating Pangulong Macapagal sa edad na 33 lamang.

Read more...