Kikitain sa show ng Momoland sa Araneta Coliseum sa Oktubre, ido-donate sa mga bata sa Antipolo

Ibibigay ng K-Pop Group na Momoland ang buong kita ng kanilang “Good Friends in Manila” show sa charity.

Ayon sa MLD Entertainment, ang lahat ng kikitain sa nasabing show na gaganapin sa October 5 sa Araneta Coliseum ay ido-donate ng grupo.

Ang mga bata mula sa Barangay San Jose at Barangay Calawis sa Antipolo City ang napiling beneficiaries.

Sa October 25, pormal na itu-turnover ang donasyon sa isang event sa Mirean Smart City.

Sinabi din ng MLD na plano ng grupo na gawin ang pagtulong taun-taon bilang pasasalamat sa suportang kanilang natatanggap mula sa kanilang fans sa Pilipinas.

Read more...