LOOK: Bagong ayos na Mehan Garden sa Maynila ipinasilip sa publiko

Bago na ang itsura ng Mehan Garden sa Maynila.

Ibinahagi ng Manila Public Information Office ang bagong ayos na Mehan Garden na malinis na at maliwanag.

Ginawa itong kaaya-aya para sa mga residente upang maging isa sa mga pasyalan sa lungsod.

Ayon sa Manila PIO, sa susunod na mga araw ay bubuksan sa publiko ang Mehan Garden.

Isinailalim sa inspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno ang naturang parke at iniutos ang rehabilitasyon nito.

Read more...