Water level ng Angat dam sumampa na sa 186 meter level

Umabot na sa 186-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw Sept. 15 ay nasa 186.54 meters na ang water level sa Angat dam.

Tumaas pa to ng halos isang metro kumpara sa 185.58 meters kahapon ng umaga.

Nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 77.65 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, Pantabangan, at Magat.

Nabawasan naman ang water level ng Ipo dam at San Roque Dam.

Habang walang pagbabago sa water level ng Caliraya dam.

Read more...