Pulis, 6 na iba pa arestado sa pagtutulak ng droga sa Taguig

PIO NCRPO photo

Kasama ang isang pulis sa pitong naaresto sa pagtutulak ng shabu at marijuana sa buy bust operation sa Taguig City.

Arestado ang pulis na si Master Sergeant Rashid Sanguan, 41 anyos na nakatalaga sa Philippine National Police (PNP) Police Security and Protection Group.

Sa mga larawan na ibinihagi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Public Information Office (PIO), makikitang pinagagalitan ni Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang pulis dahil sa pagtutulak nito ng droga.

Nahuli rin sa anti-drug operation ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit sina Normina Sanguan, 41 anyos, Alfonso Obejas, 42 anyos, Ernie Legaspi, 32 anyos, Joseph Denjuan, 48 anyos, Ronnie Mark Sueño, 29 anyos at Nagrodin Ayob, 39 anyos.

Isinagawa ang operasyon sa bahay ng pulis sa V.P. Cruz Street sa Barangay Lower Bicutan.

Nakuha sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P27,000, sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,100, cellphone at P500 cash na ginamit sa buy bust operation.

Nakakulong na ang mga suspek sa NCRPO habang hinahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...