Ayon kay DOJ Undersecretary and Spokesperson Mark Parete, limang araw bago matapos ang ultimatum ay nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasabing mga convicts na napalaya sa bisa ng good conduct time allowance (GCTA).
Ang sumukong 505 convicts ay kasama sa halos 2,000 na mga preso na may karuman-dumal na mga krimen na napalaya dahil sa umanoy magandang ugali habang nakakulong.
Samantala, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar na 202 sa 1,914 na napalayang convicts ay nakatira sa Metro Manila.
Ayon kay Guillermo, sa nakuha nilang listahan, 202 ang residente sa Metro Manila batay sa kanilang address.
“Itong 202 may address na tayo at binigay na natin yan sa iba’t ibang police stations for monitoring,” pahayag ni Eleazar sa media sa sidelines ng Anti-Crime Summit sa Mandaluyong City araw ng Sabado.
Sa ngayon anya ay 37 convicts ang sumuko na at naiturn-over na sa BuCor.
Una nang sinabi ng otoridad na ang hindi susukong convicts sa loob ng panahon na ibinigay ng pangulo ay ituturing na pugante.