Bigtime oil price hike ipatutupad ng mga oil company sa susunod na linggo

Inquirer file photo

Makaraan ang dalawang sunod na kakarampot na bawas sa kanilang presyo ay magpapatupad naman ng bigtime oil price hike ang mga kumpanya ng petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa paunang ulat mula sa ilang insider sa oil industry, aabot sa P1.60 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasoline.

Tataas naman ng P0.80 ang kada litro ng diesel samantalang P1.00 sa bawat litro ng kerosene.

Epekto ang panibagong oil price increase sa pagtaas ng oil products sa world market at mahinang halaga ng Piso laban sa US Dollar.

Sa Martes ng umaga inaasahan ang pagpapatupad na dagdag sa presyo ng nasabing mga oil products.

Read more...