Romblon at mga kalapit lalawigan nilindol

Phivolcs

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Romblon.

Sinabi ng Phivolcs na naganap ang lindol kaninang 6:35 ng gabi kung saan ang epicenter ay naitala sa bayan ng San Jose sa nasabing lalawigan.

Tectonic ang origin ng pagyanig na mayroong lalim sa 15 kilometro.

Naramdaman rin ang lindol sa lakas na Intensity II sa Malinao at Kalibo, Aklan at sa Sebaste, Antique.

Intensity I naman sa La Carlota City at bahagi ng Negros Occidental, ganun rin sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ipinaliwanag ng Phivolcs na wala silang inaasahang aftershocks dulot ng pagyanig.

Magugunitang kahapon ng hapoj ay niyanig rin ng lindol ang malaking bahagi ng Luzon kung saan ay naitala ang epicenter nito sa lalawigan ng Quezon.

Read more...