P5 milyong halaga ng shabu, palutang lutang sa baybaying bahagi ng bayan ng Jomalig, Quezon

Narekober ng Quezon Province Police ang isang brick ng shabu na palutang lutang sa baybaying bahagi ng Barangay Apad, Jomalig, Quezon pasado alas-3:00, Biyernes ng hapon, Sept. 13.

Ayon kay P/Lt. Laudermer Abang ng Quezon Province PNP, umabot ng 1 kilogram ang bigat ang nasabing shabu at nagkakahalaga ng P5 milyong piso.

Base sa paunang ulat ng pulis sa nasabing lugar, nakatanggap sila ng report mula sa isang miyembro ng Sanggunian Bayan ng Jomalig na nakilalang si Nelmar Sarmientro tungkol sa isang kahinahinalang brown package na palutang lutang sa nasabing baybayin.

Pahayag ni Abang na i-tuturn over nila ang nakuhang shabu sa kanilang crime laboratory para isailalim sa isang pagsusuri.

Magsasagawa naman aniya sila ng imbestigasyon para matukoy kung saan galing ang nasabing isang brick ng shabu.

Read more...