DPWH magsasagawa ng road reblocking and repairs sa ilang daanan sa Merto Manila

Nag-anunsyo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsasagawa sila ng road reblocking at repairs na nagsimula na ng alas-11:00, Biyernes ng gabi, Sept 13 hanggang sa Lunes, Sept. 16.

Narito ang mga kalsada na apektado ng DPWH Road Reblocking at repairs:

SOUTHBOUND:
1. EDSA-Bansalangin papuntang North Avenue (U-turn) sa 5th lane mula sa sidewalk
2. EDSA-Magallanes-Baclaran Bus Stop papuntang Magallanes-Alabang Bus Stop
3. C-5 Road na malapit sa Market Market Mall
4. C-5 Road sa harapan ng Palar Village, Taguig City

EASTBOUND:
5. Quirino Highway-Salvia Street papuntang bago mag Belfast Road (outer lane)
6. Elliptical Road pagkatapos ng Maharlika Street (8th lane mula sa labas ng sidewalk)

WESTBOUND:
7. General Luis Street-Rebisco Road papuntang SB Road

NORTHBOUND:
8. A. Bonifacio Ave. na malapit sa Selecta Drive (1st lane mula sa sidewalk)
9. Batasan/ San Mateo Rd. harapan ng Petron (1st lane mula sa center island)
10. EDSA Main Ave. papuntang bago mag P. Tuazon tunnel (1st lane mula sa sidewalk)
11. Katipunan Avenue/C-5 Road pagkatapos ng CP Garcia St. (truck lane)

Base sa abiso ng DPWH muling magbubukas ang mga nabangit na kalsada pasado alas-5:00 ng Lunes ng umaga, September 16.

Pinapayuhan naman ng pamunuan ng DPWH ang mga Motorista na iwasan ang mga nasabing lugar at gumamit ng mga alternatibong daanan.

Read more...