Base sa datos ng lokal na pamahalaan ng Marikina, ang mga Barangay na nasa West Valley Fault ay ang Barangka; Industrial Valley Complex; Tañong; Malanday at Tumana.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Mayor Teodoro, sinabi nito na wala ring naitalang mga nasirang gusali sa kanyang lungsod na dalulot ng pagyanig.
“Sa assessment na ginawa at nagbigay na rin naman ng clearance ang ating City Engineering, ah, wala naman silang nakitang na major o minor structural defect o negative impact sa mga istruktura na mayroon tayo, lalo na rin yung mga tulay na ginagamit natin dito sa Marikina” pahayag ni Mayor Teodoro.
Ayon sa alkalde wala namang may naiulat na may na sugatan o nasakatan dahil sa lindol.
Kaya aniya nagpapasalamat siya na ligtas ang mga tao sa kanyang nasasakupan.
Pagkatapos na mangyari ang aftershock at matiyak na ligtas nang umuwi, agad naman niyang pinauwi kanyang mga empleyado sa munisipyo at ipinagutos din niya pauwiin ang mga magaaral sa Marikina City.
Sinabi rin nito na handa ang lokal na pamahalaan ng lunsod ng Marikina at mga tao nito sa kahit ano mang sakuna na dumaan sa kanila, dahil sa kanilang family disaster planing program.