Sa panayam ng Radyo Inquirer kay MMDA Spokeperson Celine Pialago, agad nilang i-nactivate ang Metro Manila Private Monitoring Management Center (MMPMMC) para mamonitor ang sitwasyon ng traffic katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila.
“Wala naman sir and that’s good news to us, pero we’re still waiting for report kung mayroon pa kasi po activated pa rin naman po yung ating monitoring center” pahayag ni Asec. Pialago.
Ayon kay Pialago na wala naman naidulot ang nasabing pagyanig ng mga aksidente sa daan, lalo na sa kahabaan ng EDSA, maliban sa pansamantalang pagpatigil ng operasyon ng MRT-3.
Kaya agad naman aniya naglabas ng dalawang military truck ang MMDA para magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT-3 at iba pang mga tao.