Mati, Davao Oriental nilindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Davao Oriental, Biyernes ng gabi.

Sa datos, naitala ang episentro ng lindol sa 16 kilometers Southwest ng Mati bandang 8:39 ng gabi.

May lalim ang lindol na 25 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...