Pope Francis, bibisita sa Thailand at Japan

File Photo

Nakatakdang bumisita si Pope Francis sa Thailand at Japan sa buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Vatican, tatlong araw mag-iikot ang Santo Papa sa Thailand mula November 20 hanggang 23, 2019.

Samantala, simula naman November 23 hanggang 26, 2019, pupunta si Pope Francis sa Japan kasama ang bahagi ng Hiroshima at Nagasaki.

Ito ang unang pagbisita ni Pope Francis sa Tokyo mula nang huling bisita ni St. Pope John Paul II 40 taon na ang nakararaan.

Nais nitong bisitahin ang nasa 450,000 Katoliko sa nasabing lugar.

Una nang nakapunta ang Santo Papa sa Pilipinas, Sri Lanka, Myanmar at Bangladesh.

Read more...