Maxine Medina, Kylie Verzosa nag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram

Photo credit: Instagram accounts of Maxine Medina and Kylie Verzosa

Kumalat ang ispekulasyon na mayroong hidwaan sa pagitan nina Maxine Medina at Kylie Verzosa.

Napansin kasi ng kanilang mga tagahanga na parehong naka-unfollow ang dalawa sa Instagram account ng isa’t isa.

Nagsimulang kumalat ang isyu matapos mag-post ang pinsan ni Maxine na si Dianne Medina sa kaniyang Facebook account.

Batay sa post, naglabas ng blind item si Dianne kung saan isa umanong artista ang nandura sa isang kapwa artista nang wala sa script.

Sinabi pa nito na dapat itong rumespeto.

Wala pa namang kinukumpirma sina Maxine at Kylie ukol sa isyu.

Matatandaang napabilang si Maxine sa Top 6 ng Miss Universe 2016 habang si Kylie naman ay naiuwi ang Miss International crown sa kaparehong taon.

Read more...