Naomi Osaka, magpapalit ng coach sa ikalawang pagkakataon

Sa ikalawang pagkakataon ngayong 2019, magpapalit muli ng coach ang Japanese tennis player na si Naomi Osaka.

Sa Twitter, inanunsiyo ni Osaka na hindi na sila magkasama sa trabaho ni coach Jermaine Jerkins.

Ayon kay Osaka, lubos siyang nagpapasalamat sa panahon na nagkasama sila ni Jerkins sa loob man o labas ng court.

Ngunit, nararamdaman aniya niyang kailangan ng pagbabago para sa kaniyang karera bilang isang manlalaro.

Si Jerkin ang nakasama ni Osaka sa Australian Open noong buwan ng Enero.

Matatandaang unang naalis bilang coach ni Osaka ngayong 2019 si coach Sascha Bajin.

Read more...