Maliban sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), nagbalik-normal na rin ang operasyon ng iba pang tren sa Metro Manila makaraang tumama ang malakas na lindol sa Quezon.
Sa Twitter, nag-abiso ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na operational na muli ang kanilang tren bandang 5:29 ng hapon.
Ito ay matapos makumpirma ng pamunuan na walang nasirang pasilidad at kagamitan sa lahat ng istasyon ng MRT-3.
Operational na rin ang operasyon ng LRT-1 at Philippine National Railway (PNR).
Sinuspinde ang operasyon ng mga tren dahil sa pangambang maramdaman pang aftershocks matapos ang 5.5 magnitude na lindol, Biyernes ng hapon.
READ NEXT
Tropical Depression ‘Marilyn,’ posibleng lumabas ng bansa sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling-araw
MOST READ
LATEST STORIES