Tropical Depression ‘Marilyn,’ posibleng lumabas ng bansa sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling-araw

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Napanatili ang lakas ng Tropical Depression ‘Marilyn.’

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang sama ng panahon sa 1,045 kilometers Silangang bahagi ng Basco, Batanes bandang 4:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Halos hindi aniya kumikilos ang sama ng panahon ngunti, dahil maliban sa kaulapang dala nito, mayroon ding makapal na kumpol ng ulap sa bahagi ng West Philippine Sea.

Naaapektuhan nito ang Palawan, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Sinabi ni Rojas na hindi pa rin inaasahang magla-landfall ang bagyo sa kalupaan ng bansa.

Maaari aniyang tuluyan na itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng gabi (September 15) o Lunes ng madaling-araw (September 16).

Bago ito, sinabi nito na malaki ang tsansa na lumakas pa ang sama ng panahon at maging tropical storm.

Ngunit, posibleng pumasok muli ng Northern boundary ng PAR ang sama ng panahon at kumilos patungo sa Silangang bahagi ng Taiwan.

Read more...