Mga kawani ng QC government pinalabas dahil sa lindol

Kuha ni Noel Talacay

Pinalabas sa opisina ang mga kawani ng Quezon City government matapos maramdaman ang tumamang malakas na lindol sa Burdeos, Quezon Biyernes ng hapon.

Mahinahong lumabas ang mga empleyado mula sa kanilang opisina.

Maliban sa mga empleyado, lumabas din ang mga tao na may transaksyon sa lugar.

Lahat ng tao sa loob ng Quezon City Government compound ay nagtipun-tipon sa gitna ng daanan.

Ilang minuto lamang ay agad namang pinauwi ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Wala namang naiulat na nasaktan at napinsalang ari-arian sa lungsod.

Nag-abiso naman ang Phivolcs na maging alerto pa rin sa posibleng maramdamang aftershocks matapos ang magnitude 5.3 na lindol sa Burdeos, Quezon bandang 4:28 ng hapon.

Read more...