Operasyon ng LRT-2, balik-normal na

Nagbalik-normal na ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) matapos ang yumanig na magnitude 5.3 na indol sa Quezon.

Sa Twitter, inanunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na operational na muli ang tren pasado 7:00 ng gabi.

Pansamantalang inihinto ang operasyon ng tren kaninang 4:57 ng hapon.

Paliwanag nito, ito ay para bigyang-daan ang isinagawang inspeksyon ng LRTA Safety and Maintenance personnel sa mga istraktura ng tren.

Sa ganitong paraan, sinabi ng LRTA na matitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Tumama ang magnitude 5.3 na lindol sa Burdeos, Quezon kaninang 4:28 ng hapon at sinundan pa ng magnitude 4.7 na aftershock bandang 5:18 ng hapon.

Read more...