Sa kaniyang sponsorship message sa panukala, sinabi ni Velasco ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang ahensya ng gobyerno na nakatutol sa disaster response.
Ayon kay Velasco na siyang susunod na House Speaker na mayroong nasa 20 bagyo ang dumadaan sa bansa kada taon na nagiging sanhi ng mga pagbaha, pagguho ng lupa at storm surges.
Mayroon din aniyang 300 bulkan ang Pilipinas kung saan 24 dito ay aktibo.
Nakapagtatala aniya ng 20 lindol ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) araw-araw kabilang ang 90 destructive earthquakes at 40 tsunami sa nakalipas na 400 taon.
Sa ilalim ng panukala, ang DDR ang magsisilbing lead agency sa disaster risk reduction, preparedness, response at reconstruction o rehabilitation.
Sa ngayon kasi, hiwa-hiwalay ang mga ahensya na kumikilos kapag may kalamidad sa bansa kabilang NDRRMC, DOST, DILG, DSWD at NEDA kung saan ang Office of Civil Defense ang nagsisilbing nerve center o sentro ng pag-aksyon.
Ang DDR ay napagtibay na sa Kamara ngunit hindi na naihabol bago nagsara ang 17th Congress at muling nabanggit sa SONA ni Pangulong Duterte.