Malakas na aftershock naitala sa Burdeos, Quezon

(Updated as of 6:20 PM) Muling niyanig ng malakas na lindol ang lalawigan ng Quezon.   Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4.7 na lindol sa 34 kilometers Northeast ng bayan ng Burdeos, alas-5:18 hapon ng Biyernes (September 13) at may lalim na 65 kilometers.   Naitala ang sumusunod na intensities: Intensity V- Polillo, Quezon Intensity IV – Quezon City Intensity III – San Juan City; Jose Panganiban, Camarines Norte; Dinangalan, Aurora; Pasig City; Mandaluyong City; Taguig City Intensity II – Guinayangan, Quezon; Pakil, Laguna; Makati City   Naitala naman ang instrumental intensities sa sumusunod na lugar: Intensity IV – Polillo, Quezon Intensity III – Jose Panganiban, Camarines Norte; Quezon City; Marikina City; Intensity II – Alabat, Guinayangan and Mauban, Quezon; Las Pinas City; Malolos City; San Ildefonso, Bulacan; Pasig City; Navotas City; Malabon City Intensity I – Bacoor City; Baler, Aurora; San Juan City; Guagua, Pampanga Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.5 na lindol sa bayan din ng Bordeos sa lalawigan ng Quezon.   Tectonic ang origin ng pagyanig.   Walang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at walang inaasahang aftershocks matapos ang malakas na pagyanig.

Read more...