Sa huling tala ng Philippine National Police (PNP) hanggang 6:00, Biyernes ng umaga (September 13), nasa 353 na ang mga sumukong convict sa iba’t ibang police office sa bansa.
Sa nasabing bilang, 115 rito ay may kasong murder, 108 ang may kasong rape, 32 sa robbery with homicide, 20 sa homicide, 16 ang may kasong may kaugnayan sa droga habang 13 naman ang rape with homicide.
Samantala, nasa 234 convicts na ang nai-turnover ng PNP sa Bureau of Corrections (BuCor).
Matatandaang binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga napalayang convict sa karumal-dumal na krimen nang 15 araw para sumuko sa mga otoridad.
Maagang napalaya ang mga convict sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).