Karagdagang P1B na pondo para sa SURE aid program, aprubado na ng DA

Inquirer file photo

Aprubado na ng Department of Agriculture (DA) ang karagdagang pondo para sa Survival and Recovery Assistance o SURE AID Program.

Sa isang press conference, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na inaprubahan ng DA-Agricultural Credit Police Council ang dagdag na P1 bilyong pondo para sa loan assistance program sa mga magsasaka na nalulugi dahil sa rice tariffication law.

Dahil dito, umabot na sa P2.5 bilyon ang kabuuang pondo ng kagawaran para sa program.

Ani Dar, sa tulong ng pondo, matutulungan na ang halos 170,000 mula sa kabuuang bilang na 600,000 na magsasaka.

Patuloy naman aniyang maghahanap ang DA ng pagkukunan ng pondo para matulungan ang lahat ng maliliit na magsasaka.

Sa ilalim ng programa, maaaring kumuha ang mga magsasaka ng P15,000 na soft loan nang walang interes at maaaring babayaran sa loob ng walong taon.

Read more...