Lifestyle vlogger na si Dani Barretto, isinilang na ang kanyang unang anak

Isinilang na ng lifestyle vlogger na si Dani Barretto ang kanilang unang anak ng asawang si Xavi Panlilio.

Gamit ang kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Dani ang larawan kung saan buhat ni Xavi ang kanilang anak.

Pinangalanan nila ang kanilang anak na Camilia Marguerite B. Panlilo.

Sinabi naman ni Dani na ang magiging palayaw ng kanilang anak ay Millie.

Lubos ang pasasalamat ni Dani sa Panginoon dahil sa panibagong blessing na ibinigay sa kanila.

Buhos naman ang pagbati ng mga kaibigan at tagahanga ni Dani sa pagdating ng kanilang baby.

Ikinasal sina Dani at Xavi noong buwan ng Abril.

Read more...