Mariel Rodriguez, lumipad na patungong Amerika bago isalang ang ikalawang anak

Tumulak na ang television host na si Mariel Rodriguez patungong Amerika para ipanganak ang kanilang second baby ni Robin Padilla.

Sa Instagram, nag-post ng larawan si Mariel kasama sina Robin at dalawang taong gulang na anak na si Isabella sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Aniya, ginagawa nila ito para ibigay ang makakabuti sa kanilang anak.

Kasama ni Mariel sa biyahe si Isabella habang hindi naman nabanggit kung bakit hindi kasama si Robin.

Nagpasalamat naman si Mariel kay Robin para sa kanilang biyahe.

Tiniyak pa nito na makakasama na nila pabalik ng Pilipinas si Gabriela.

Matatandaang isinilang ni Mariel ang kanilang unang anak ni Robin taong 2016.

Read more...