May-ari ng dalawang sasakyan na ginagamit sa pananambang sa convoy ni ex-Pangasinan gov. Amado Espino Jr., tukoy na ng pulisya

Natukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may-ari ng dalawang sasakyang ginamit sa pananambang kay dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr.

Sa isang press briefing, sinabi ni Lt. Col. Mary Crystal Peralta, tagapagsalita ng Police Regional Office 1, nakilala na ang may-ari ng pulang Hyundai Elantra at blue silver na Ford Everest na ginamit sa krimen.

Samantala, hindi pa naman narerekober ng pulisya ang ikatlong sasakyan na itim na Toyota Wigo sa krimen.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa pananambang.

Read more...