Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

Asahan na patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:27 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Zambales, Batangas, Laguna, Pampanga at Tarlac.

Mararamdaman ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ang bahagi ng Tagkawayan sa Quezon.

Inabisuhan naman ang mga residente sa mga nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...