Higit sa 1,000 kahon ng pekeng sigarilyo nasabat sa isang bodega sa Bacolod City

Aabot ng mahigit sa isang libong kahon ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang bodega sa Bredco Port and Terminal sa Bacolod City.

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng BIR-Region 12 at pulisya ang bodega kung saan nadiskubre ang nasa 1,500 na kahon ng pekeng sigarilyo at mga filter rods.

Magkakapareho ang serial numbers ng mga kontrabando kaya nagduda ang otoridad kung lehitimo ang mga produkto.

Ayon kay BIR Region 12 director Antonio Jonathan Jaminola ipaghaharap nila ng kasong paglabag sa Consumer Product Act at maaaring magmulta ng aabot sa P140-milyon ang manufacturer ng pekeng sigarilyo.

Read more...