Tatlong sasakyan nagkarambola sa QC; 2 sugatan

Dalawa katao ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Quezon Avenue, Quezon City, alas-3 ng madaling-araw ng Biyernes (September 13).

Base sa imbestigasyon, nabangga ng SUV ang taxi at sa lakas ng pagkakabangga tumama naman ang taxi sa motorsiklo.

Ayon naman sa driver ng SUV, biglang nagpreno ang pampasaherong bus na nasa unahan kung kaya’t nangyari ang aksidente.

Samantala, isinugod sa East Avenue Medical Center ang driver ng taxi habang nasugatan naman sa binti ang driver ng motorsiklo.

Read more...