De Lima isinangkot ni Gordon sa isyu ng GCTA

Isinangkot ni Senator Richard Gordon si Senator Leila De Lima sa maanomalyang good conduct time allowance (GCTA) law.

Sa pagdinig sa Senado, isinulong ni Gordon ang isyu na ginamit umano ni De Lima ang GCTA para kumita sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa senador, ang GCTA ang naging isa pang pinagkunan umano ni De Lima ng pondo bukod sa mga kubol ng mga inmates sa Bilibid.

Matatandaan na pina-igting ng noo’y Justice Secretary na si De Lima ang pagsira sa mga kubol ng mga preso sa gitna ng kontrobersya na naging source ito ng bribe money.

Inilutang ni Gordon na maaaring pinasok rin ng dating driver-lover ni De Lima na si Ronnie Dayan ang bentahan ng GCTA.

Matatandaan na nakulong si De Lima dahil sa umanoy droga sa NBP at si Dayan ang sinasabing taga-kolekta nito ng pera mula sa mga drug lords.

Dagdag ni Gordon, matapos pagkakitaan ang mga kubol ay pwedeng sunod na nagamit ang GCTA na nasa kapangyarihan ni De lima noon bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

“The troop of Ronnie Dayan entered the business of GCTA. Is that possible?… I’m just saying in the realm of possibility, it can happen. That’s not evidence. I know what I’m doing,” ani Gordon.

 

Read more...