M3.2 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-12:29 Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 78 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 116 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...