Unang sinabi ni Poe na dapat nang mag-resign si Tugade dahil sa kabiguan nitong maresolba ang problema sa trapik.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, suportado at may tiwala pa rin ang Palasyo sa kalihim.
Giit ni Panelo, hindi kailangang magbitiw sa pwesto ni Tugade.
Inilatag na anya ni Tugade sa Senado na kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang emergency powers pero hindi umano ito ipipilit ng presidente kung hindi ito ibibigay sa kanya.
Samantala sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Tugade na masyadong bilib si Poe sa sarili at pati posisyon niya ay pinakikialaman.
Sinabi pa ng kalihim na ang kanyang serbisyo ay para sa pangulo at hindi para sa kagustuhan ng mga pulitiko.
Una rito ay naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng pahayag para sa senadora.
Sa kanilang Facebook page ay sinabi ng ahensya na hindi ugali ni Tugade na matulog sa pansitan at hindi mandato ng DOTr ang traffic management.