Lalaking nang-away sa Grab driver umaasa ng areglo

Pinagsisihan na umano ng lalaking nanakit sa isang driver ng Grab ang nagawa nito.

Nakakulong ngayon si Jan Jervi Mercado at ang girlfriend nitong si Rhea Sangil matapos nilang atakehin ang Grab driver na si Reynaldo Tugade sa Barangay Del Monte, Quezon City noong Lunes.

Inireklamo ni Tugade sina Mercado at Sangil ng physical injuries at malicious mischief.

Gayunman, iginiit ni Mercado na hindi siya ang nagsimula ng away.

Na-provoke umano ito na suntukin ang Grab driver dahil nanulak ito.

Ayon pa kay Mercado, dinuro at minura ni Tugade ang kanilang grupo.

Pero itinanggi ito ni Tugade at sinungaling anya si Mercado.

Kahit makipag-areglo si Mercado ay hindi papayag ang Grab driver.

Sa viral video ay mapapanood ang pag-atake ng dalawa sa driver dahil hindi nito pinayagan ang pagsakay ng isang bata.

Iginiit ni Tugade ang polisiya ng Grab sa passenger limit na ikinagalit ng kampo ni Mercado.

 

Read more...